Add parallel Print Page Options

15 At sila'y lumiko roon, upang pumasok na tumigil sa Gabaa: at sila'y pumasok, at naupo sila sa lansangan ng bayan: sapagka't walang taong magpatuloy sa kanila.

16 At, narito, may umuwing isang matandang lalake na galing sa kaniyang paggawa sa bukid sa paglubog ng araw; ang lalake nga'y taga lupaing maburol ng Ephraim, at nakikipamayan sa Gabaa; nguni't ang mga tao sa dakong yaon ay mga Benjamita.

17 At itiningin niya ang kaniyang mga mata, at nakita niya ang naglalakbay sa lansangan ng bayan; at sinabi ng matandang lalake, Saan ka paroroon? at saan ka nanggaling?

Read full chapter